Word Poetry Challenge #1 : Huling Sayaw

Words
168
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Huling Sayaw

by: jembee@jembee

images (1).jpg

Pinanggalingan ng imahe :
https://goo.gl/images/ER4jJz

Mahal ko, aking kamay ay iyong hawakan
Sumayaw sabay sa tugtog ng kalikasan
Pumunta tayo sa kalawakan
Nang Ikaw at ako lamang

Iwanan natin ang lahat
Mata mo'y ipikit sapagkat
Mas madadama mo ang bawat galaw
Sa ating huling sayaw

Dapat kabisado ang bawat galaw
Sarap ng iyong yakap, O giliw, O ikaw
Hawak ng iyong kamay sa aking mukha
O Diyos ang sarap ibigin ng iyong likha

Ako may malapit ng mawala
Sana'y palagi akong na sa iyong alaala
Kung ako man ay iyong namimiss
Pumikit ka at sumayaw aking misis

Sumayaw tayo ulit
Bawat sigundo, minuto para sulit
Halina't ating simulan
Sabay sa luha ng ulan

'wag mung isipin na ito na ang huli
Dahil magaganap pa itong muli
Sa ating mga panaginip
Ikaw at ako lang, walang ibang sisilip

Ito po ang aking entry sa wordchallenge na may temang "huling sayaw". Kung nais niyo pong sumali I click lang ang link sa ibaba.

https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-2-tema-huling-sayaw-or-tagalog-edition

Word Poetry Challenge #1 : Huling Sayaw | Ecency