"PAGBALIK"

Words
157
Reading
1 min
Listen
Play
9y

"Pagbalik"

Ang pusong kabado at takot,
Nagtatago sa ilalim ng mga kumot,
Nagsilbing tagasalo ng mga luha,
Na sa tinagaltagal pwede mo nang mapiga,.

Tubig na pumupatak bawat oras na tumatakbo na sa'king isipan,
Balang araw ako iyong ulit na iiwan,
Ikaw ang taong lagi akong lalanggamin sa iyong pagngiti,
Ay siya ring mga langgam magdudulot ng pighati,

Saksi ang karagatan ng mga bituin ,
Kung gaano kahaba ang panalangin at hiling,
Nakikinig ang mga kuliglig ,
Sa sakit na gusto kong ipahiwatig,

Nanood ang buwan sa kung gaano ako ka drama,
Habang binigbigkas ang katagang "mahak ko bumalik kana",
Nagpabingigingihan ang kalangitan,
Hindi ako pinakinggan,

Sabay sa pagkatunaw ng yelo,
Ang panlalamig mo,
Saan na ang sinasabing lalakbayin antin ang mundo,
Hanggang doon nalang ba ang ating mga plano,

Kailangan kong umiyak ng sobra-sobra,
Sanayin ang sarili na huminga,
Na ang salitang tayo ay tapos na,
Hindi ko lang alam kung bakit ba?

PHOTO CREDIT 1

"PAGBALIK" | Ecency