Pagmamahal sa isa't isa

iyam(44)
Published in
#tula
Words
120
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Ang bawat isa ay may karapatang magmahal

Pagkat ito ang utos sa atin, ng ating maykapal

Pagmamahal sa kapwa iyan tunay na dahilan

Kung bakit nandito tayo, sa mundong ginagalawan

Hindi ka masaya kung ikaw lamang, at nag-iisa

Kailangan mayroon ka sa buhay na makakasama

Makulay ang paligid, at walang hindi kayang gawin

Basta mga mahal mo sa buhay ay lagi mong kapiling

Saan mang sulok ng mundo, ang pagmamahal ay isabog natin

Lahat ng nilalang, ay magiging masaya at hindi na maninindim

Pagmamahal sa isa't isa ang tanging lunas sa kapayapaan

Upang ang lahat ay magkaroon ng tunay na katahimikan.


source

Sana magustuhan nyo
Thank you for dropping by!
Please Follow @ iyam
Upvote!
Comment!
Resteem!

Love, iyam 💕

Pagmamahal sa isa't isa | Ecency