Pag-ibig sa kapwa #tulapilipinas

iyam(44)
Published in
#tula
Words
107
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Ang pag-ibig sa kapwa ay isang dakila

Walang dapat pinipili, o inaalila

Taga patag ka man, maging taga bundok pa

Ang karapatan natin ay magkapareha

Ang mga mahihirap ay hindi dapat hamakin

Pagkat nasasaktan ang kanilang damdamin

Ganon din ang maliliit, at maiitim ang balat

Pantay lang na pagtingin, sa kanila ay sapat

Ang respeto sa isa't-isa ay ibigay ng totoo

Huwag gawin ang manlamang sa kapwa tao

Maging mapagmahal at manatiling tapat

Kabutihan ay ibigay, ito ang nararapat

Pag-ibig sa kapwa ay palaganapin natin

Dapat isa puso, at katahimikan ay kamtin


source

Please visit & Follow iyam@iyam
Thank you for
Follo!w! Comment! Resteem!

Love, iyam 💖

Pag-ibig sa kapwa #tulapilipinas | Ecency