Nakalalasong Alindog

Words
273
Reading
2 min
Listen
Play
8y

Ang alindog ko'y nakalalason,
hindi mo nga lang malalaman agad,
na ikaw na pala'y nasa aking patibong .

Ikaw lang naman ang nilalason ko,
wala ng iba, kasi hindi mo na ako
pinapansin, hindi mo na ako kinakausap,
wala na tayong usapan maganda,
kaya ang aking alindog ang siyang
tanging natitira kong arsenal.

alindog
SOURCE

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo,
kasi nga baka nakakita ka ng ng iba,
ibang ipapalit sa akin, mas bata,
mas masiyahin, hindi katulad kong
masungit at mainitin ang ulo,
pero mas maalindog pa ako sa bata mo!

Oo mas maalindog ako kasi alam ko
kung saan ang kiliti mo, alam ko
rin kung saan kita paliligayahin,
alam ko ang lahat ng nasa iyo,
hindi makakawala sa aking mapanuring
mata ano mang bagay na nasa iyo,
hindi mo iyan maitatago sa akin,
wala kang dapat na itago, samantalang
ako ay hubad sa iyo, hubad ang aking
pagkatao, hubad ang aking puso sa iyo,
wala na akong hindi pa mainlalantad sa iyo,
ngunit wala ka pa ring nakikitang alindog sa akin,
kaya inilabas ko na ang alindog kong
hindi mo matatanggihan,
matitingkad kong palamuti,
diyamante kong makikinang,
purselas kong mapuputi,
makikinis kong balat na nakatago sa
kaliskis ng ahas, dito kita inalindog,
at kumagat ka naman, kinagat mo ang
bawal na prutas at ika'y natimbog,
natimbuwang sa bitag kong nakalalasong alindog,
at hubad kitang iniwan sa linang ng iyong
kahibangan at lilpulin ko ang masasama
mong pag-uugali at ang pagkagahaman mo sa
sa kapangyarihan, igugupo ko ang moog mo
hanggang sa magpatirapa kang humingi sa akin
ng may maaamong mukha ng pagtulong
sa nangangalingasaw mong ulikbang pagkatao!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 - iwrite.jpg