Mahalaga pa kaya ang lahat ng mga nangyari sa atin,
gayong ang layo-layo ng iniisip mo sa tuwing tatanungin kita,
nagmimistulang estatuwa ako kapag nagtatanong ako
kung ayos lang ba tayo. Iismid ka lang at walang sasabihin.
Hindi naman mahirap sabihin ang gustong sabihin,
pero bakit wala man lang akong marinig sa iyo,
hindi ka naman si Barbie doll, hindi ka naman din
robot na puweden i-switch off!
Inaakala ko laging ako ay nasa ibang mundo,
kung totoong may alien at nakakausap,
marahil siya na lang kakausapin ko!