Note:
This is my first poem written in Filipino Language
Inspired by Moonstar88's song Torete
Sandali nalang, maaari bang pagbigyan
Ang aking mga kahilingan
Na tayong muli ay mag-usap kahit sandali lamang,
O kahit hayaan mo lang akong sabihin ulit ang aking mga nararamdaman.
Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong kamay?
Gusto ko lang ulit maramdaman ang init nito
Na nagbibigay sa akin ng buhay at kulay
Dahil hindi ko na mahahawakan ulit ito panigurado.
'Wag kang mag-alala, 'di ko ipipilit sa iyo.
Kung iyan naman ang desisyon mo, may magagawa pa ba ako?
Magkakalayo ang ating katawan pero hindi ang ating puso.
Pero hayaan mo hindi ako magloloko at muling hihintayin ang pagbalik mo.
Kahit lilipad ka na, ang isip ko'y torete pa rin sa iyo,
Hindi mapigilan ang pusong isigaw ang pangalan mo,
Nagmamakaawang h'wag mo nang ituloy ang pag-alis
Dahil baka hindi ko kayanin at araw-araw siguro akong tatangis.
Sandali nalang,
Nag-aabang sa orasan.
Naghihiling na sana ito'y huminto,
Para hindi na matuloy ang pag-akyat mo sa eroplano.