Ito pa ang isa sa aking pinagtataka
Kay hirap na nga ng buhay ang anak ay lima pa
Hindi ba nila naisip ang panggatas ng mga bata
Kaya naman lumalaking sakitin at patpatin pa nga
Imbis na mag-aral, sa kalsada ay mga nakakura
Nanlilimos at nanghihingi ng awa sa iba
Naghihintay na may maglaglag ng munting barya
Upang may ilaman sa kumakalam na sikmura
Huwag nating idahilan ang kahirapan upang hadlangan ka
Hindi natin kasalanan kung pinanganak na mahirap pa sa daga
Ngunit kung sa pagtanda ay walang tayong ginawa
Karapat-dapat nga na tayo’y kaawaan ng madla.