Ikaw.
Ikaw, ang nagturo sa akin kung paano wag sumuko sa laban,
Pero ikaw rin ang dahilan kung bakit ako sugatan.
Dahil isa akong sundalo na handang mamatay sa laban,
Para lang ika'y ipaglaban.
Gagawin ang lahat,
Kahit ang lakas ko'y di sapat.
Na agawin ka kay tadhana,
Kahit sariling buhay pa ay mawala.
Ngunit ikaw na rin ang nagsabi na wag tumigil,
Pero di ko alam kung dapat ka pa bang sundin.
Dahil pagod na ako sa laban,
Na alam ko namang walang patutunguhan.