Isipin mo, O aking kaibigang motorista.

Words
159
Reading
1 min
Listen
Play
7y

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Pampublikong kalsada'y wag gawing karerahan.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
May nag aantay sa iyong paroroonan.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
May pamilya kang sayo'y umaasa at nagmamahal.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
May pamilya din ang iyong kapwa motorista na sa kanila'y umaasa.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Kung ika'y madisgrasya o makadisgrasya ng ibang motorista.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Hinagpis ng iyong pamilya kung ika'y pumanaw dahil sa disgrasya.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Hinagpis ng pamilya ng iyong nadisgrasya dahil sa iyong kapabayaan.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Ang buhay ay nag-iisa at mahalaga.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Ang kalye ay para sa lahat, ika'y nakikiraan lang.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Sa kalsada'y walang nagmamayari, walang tamang linya.

Isipin mo, O aking kaibigang motorista.
Ang pagbibigay daan sa iba'y di aabutin ng isang buong araw.


Posted via Marlians.com
Isipin mo, O aking kaibigang motorista. | Ecency