Ako'y isang hamak na mang gagawang taga gitnang Luzon.
Ang isang katulad ko'y sumubok makipagsapalaran sa lungsod ng Maynila.
Na di hamak na mas malaki ang araw ng isang manggagawa kumpara sa aming bayan.
Sa ami'y tatlong daan ang araw, samantalang dito sa Maynila'y lagpas limang daan.
Ang aking pinag tataka'y bakit mas malaki ang araw sa lungsod ng kalakhang Maynila kumpara sa malayong probinsya.
Trabaho sa kamaynilaan at sa aming baya'y pareho lamang.
Presyo ng bilihin at gastos ay pareho rin.
Ang aking pinagtatakay bakit iba ang araw ng isang manggagawang mula sa malayong probinsya at kamaynilaan.
Isang dakot ng pag asa ang dahilan ng aking pagluwas at pangungulila namay kapalit.