"KASALANAN"(my simple filipino poetry)

Words
304
Reading
2 min
Listen
Play
8y

flame-2425438__480.jpg
Pinagkahunan ng litrato


"KASALANAN"
Katha ni :Marigen aka. greatwarrior79@greatwarrior79


Salitang "kasalanan" ay nagmula kay eba at adan,
Ang bagay na ito ay kinamumuhian ng karamihan.
Ngunit patuloy na ginagawa ng sangkatauhan,
Dahil ang rason nila na tayo ay tao lamang
.


Ang gawaing ito sa mundo ay parang nakasanayan,
Pilit iniiwasan ng iba,ngunit ang iba ay patuloy sa kamunduhan.
Laging sinusunod ang tawag ng laman,
Kaysa magsumikap patungo sa kabanalan
.


Ang iba'y pinagpipilitan ang kanilang pagmamahalan,
Kahit ang bawat isa ay mayroon ng pananagutan.
Mas sinusunod nila ang kanilang emosyon kaysa sa kanilang kaisipan,
Na alam naman nilang mali ang kanilang ipinaglalaban
.


'O kasalanan, ano bang kapangyarihan mayroon ka?
Bakit maraming tao na ikaw ay ginagawa.
Kahit nga ilang matatag sa kanilang pananampalataya,
Minsan sayo ay iyong nadadaya
.


Sadya bang kayhirap mong iwasan?
O mahina lang talaga ang lupang katawan.
Kapag udyok na ng laman ang umiral,
Bakit pati banal sayo'y nagiging hangal
.


Ngunit sa bandang huli ito ang ating tatandaan,
Lahat ng ginagawa sa lihim o hayag man.
Kung kasalanan man ito o kabanalan,
Ipagsusulit natin ito lahat sa kalangitan
.


Maraming salamat po sa pagbasa ng aking munting tula,at sana po ay nagustuhan nyo po ang aking tema sa tula ko at sana kapulutan po ng aral itong aking katha. At sana suportahan po natin ang lahat ng gumagawa ng tula.馃槉 Mabuhay po tayong lahat mga kababayan!馃槉馃憤

Nagmamahal;
Marigen aka. greatwarrior79@greatwarrior79


greatwarrior79.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Please support surpassinggoogle@surpassinggoogle as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

"KASALANAN"(my simple filipino poetry) | Ecency