Ulan

Words
93
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Oh Damayan mo ako sa gabi
Sabayan mo pa ng patak ng ulan
Kahit kaylan akoy iyong dinadamayan
Akala ko di mo ako madadampian

Bawat patak mula sa kalangitan
Sadyang di mo ako hinahayaan
Ikaw lang tanging di nangiiwan
Mahiwaga at tila may kababalaghan

Sa damdaming sugatan at luhaan
Bakit mo laging sinasabayan
Isa ba itong senyales na dapat ko ng tigilan
O binibigyan mo ako ng ibayong kalakasan

Ako'y mapalad at sa bawat karimlam
Pinapasaya mo ako sa iyong ulan
Na kahit basa na sige lang
Masaya akong iyong dinadamayan
-makatang singkit-IMG20180207215329.jpg![04.jpgreceived_10154901030120755.png

Ulan | Ecency