Ito ang tula na para lang sayo .. wag mo sanang masamain ang mga nilalaman nito.. para din po yan sa mga taong umasa sa pangako
Pangako "Tula Para Sayo"
isinulat ni @eceninzz
12 / 25 / 2018
Tandang tanda ko pa,
Nung mga oras na nangako ka.
Sabi mo pa "Promise"
Tandang tanda ko rin kung saan ka nangako. Kung saan nagmula ang mga pangako na tuluyan ng napako. Doon yun sa may mapuno, doon mo sinabi ang lahat ng kataga, Mga kataga na nung mga oras na iyon nagdulot ng tuwa.
Kasi akala ko totoo, di ko nakita ang kasinungalingan mo, di ko pinansin na maraming kasinungalingan sa mundo, basta ang alam ko ikaw ay totoo.
Nagtagal ang panahon, mula sa araw na iyon, hanggang sa buwan ang dumaan, at inabot ng taon, nanatili sa puso yaong mga kataga na "Pangako".
Ngunit lahat ay nagbago ng dumating siya sa buhay mo, Sinira at inapakan ang iyong mga pangako di mo inisip ang mararamdaman ng iba, ang importante masaya ka, ang importante mahal ka niya.
Minsan gusto kong itanong sayo "hindi na ba ako importante sayo?".
"sabihin mo ang totoo!"
Ngunit paano, paano ko sasabihin sa iyo kung magkalayo tayo,
ikaw ay nasa silangan ako ay nasa kanluran,
ikaw ay nasa timog, ako naman ay nasa hilaga.
Wag kang mag alala , Isinulat ko ang tulang ito hindi para saktan ka. Kundi para magpasalamat. Salamat kasi ng dahil sayo, nalaman ko ang totoo, nabuksan ang isip ko, nakita ko ang tunay na mundo, na bihira ang totoo.
Dahil din sayo mag iingat na ako.
Sa karanasan kong ito, isa sa mga natutuhan ko ay... Kung di mo nais masaktan Wag kang maniniwala sa "Pangako".
Pangako "Tula Para Sayo"
isinulat ni @eceninzz
12 / 25 / 2018
This is your steem friend,
- Niño M.
UPVOTE / RESTEEM / FOLLOW
Photo edited by Me.