Top 10 Signs Ng Crypto Addiction

Words
1047
Reading
5 min
Listen
Play
9y

Hello hello mga kababayan!

Nakakatuwa, ang cryptocurrency parang mainstream na sa Pinas ngayon. Naalala ko pa nung nagsimula ako dito nung April, tas tuwang tuwa akong shinishare sa mga kaibigan kakilala dating kaopisina at mga kapamilya ang tungkol sa crypto, madalas mga skeptic sila. Di mo naman masisi din kasi it would really need a greater understanding of crypto para ma-appreciate mo sya. Dagdag mo pa na walang regulating body ang crypto so dagdag risk. Wala kang sumbungan ng bayan ba kung may kakaibang mangyari man. Knock on wood.

Pero ngayon, andami ng "cool" pipel (ahem, kasali ako hahaha) na, you know, crypto traders/investors. That's the IN thing now e. Andami ng groups ng mga Pinoy sa Facebook o telegram na mga crypto-enthusiasts.

Pero karamihan, lalo ngayon na napakaganda ng market, overly enthusiastic na yata kagaya ko.

Kaya eto ang sa tingin ko na Top 10 Signs ng Crypto Addiction.


Image sources:12 3

10. Nakaka twenitayms or more na silip ka sa coinmarketcap.com o Blockfolio app. In 6 hours.

Hahaha, akala mo eksaherado ang once every 20 minutes na check sa prices, nako po minsan sobra pa dito. Paggising at bago matulog yan ang titignan mo. True story, may time na nung nagsisimula ako, mga May of this year, ang top visited site ko coinmarketcap. Memorized ko na yata ang circulating supply, ang marketcap at kung anu ano pa ng top 100 coins. yung next page di na masyado, mejo who you sakin pag 101 onwards na. Hahaha!

Idagdag mo na dito na pag sinilip ang browsing history mo, puro exchange sites, o crypto-related articles ang laman.


Image Source

9. Priority ang crypto sa schedule.

Ang "non-crypto" activities gaya ng pagkain, paliligo, minsan pati dates, depende sa current activity sa market, lalo pag active ang market at the moment. O kaya may sasalihan kag ICO, o may coin na lalabas sa bagong exchange, naku po, ingat na ingat ka na hindi tamaan ang mga yan at magka conflict sa sched, lalo sa mga mundane activities like eating. Syempre alam mo rin yung mga oras kung kelan active ang market.

And you fix your schedule accordingly.


Image Source

8. Sleep is for the weak ang iyong adhikain.

Bilang hindi ka weak-hands, at nananatili ka talagang matatag para macomplete ang trades mo, minsan gustuhin mo man, hindi ka talaga makatulog. Pano mo naman kasi tutulugan ang $20k per pirasong Bitcoin, o ang 2x 5x 10x mo sa altcoins? Power!

7. Before you know it, mas madalas mo ng kausap ang dating acquaintance lang na co-crypto-enthusiast mo kesa sa bff mo.

Kung passionate ka sa isang bagay, malamang mas maeenjoy mo makausap ang mga tao na pareho kayo ng hilig o passion. Dagdag mo pa na ang mga non-crypto hoomans ay hindi makakarelate sa mga gustung-gusto mo i-share, kaya di mo man napapansin, halos mga kainterract mo into crypto rin. Birds of the same feathers are the same birds ika nga. Ay mali, basta gets mo na yun.

6. May back-up plan ka sa internet connection mo.

Like literal ito. Nako ha, yung mga ganap na bigla babagal o mawawala ang internet mo, kenatbi yun! Kaya naka abang ang pocket wifi, not one but two networks para sure. Tapos worst case mobile data pagtatyagaan na. Syempre kasama din dito na di ka nagpupupunta sa mga lugar na mahina ang signal sa data, juicecoloured, mawalan na ng kuryente, basta fully-charged lappy at phone mo ok lang. Wag lang mawalan ng inernet!


Image source

5. Ang base currency mo ay hindi na peso.

Mas madali sayong isipin at pagkumparahin ang presyo in US dollars or satoshi. Minsan pag may bibilhin ka, kinoconvert mo in your mind how much it is in dollars. True story.

4. Mas madalas ka magshopping ng crypto kesa sa actual goods.

This is a confession coming from a crypto-shopaholic. Totoo, nakaka addict minsan mamili ng maraming coins. Juicecoloured, nung mga first few months ko, may time na trenta yatang ibat ibang coins hawak ko. Realtak yan. Tapos anjan din yung, kesa gastusin mo ang pera mo sa kung anu ano, ang mindset mo na, "teka, kung iinvest ko to, in a few months' time doble na sya. Tapos mas marami ako mabibili!"

Pero sa totoo lang, kahit doble o triple na ang pera mo, ayaw mo paring gumastos kasi iisipin mo na naman na iinvest nalang. Hahaha.

3. You're either '#TeamBitcoin or '#TeamAltcoin

And yeah, you know you have to make a choice. Hahaha.

Alam mo rin kung pano ispel ang ETHEREUM at TETHER. Pag ang word na tether, mas narerelate mo na sa crypto kesa sa pagshare ng data connection mo sa ibang device, congrats, isa kang full-blooded na crypto-enthusiast! Tas ang ethereum alam mo na tatlong E sha at wala shang letter I anywhere. Haha akala ko kasi nung una etherium hahaha.


Image Source

2. Chart is life.

Kung ang mga inlove nagkaka-taghiyawat sa ilong kakaisip sa iniirog, ikaw naman nagkakataghiyawat na rin kakaisip at kakatitig sa charts. May kumausap man sasagot pero sa charts parin nakatingin. Habang kumakain oplan bantay chart parin. Minsan kahit pag call of nature na, kailangang gawan ng paraan na kapiling mo pa rin ang charts.

Sabagay di mo rin masisi na charts ang titigan at intindihin. Minsan mas madali sila interpret kesa sa tao e. Haha.

1. Ang nakaka-happy sayo, yung makita mo ang portfolio mo na x times na ng initial investment mo.

Ito talaga yun e. Yung moment na marealize mo how much your money has grown, hooked ka na for sure. Point of no return ka na.

Paalala: Ito po ay katuwaan lamang. Hindi pa naman yata dinideclare ng behavioral sciences na isa itong tunay na uri ng addiction. Baka may maisip ka idagdag, icomment mo na haha.

Ito baka bet mo rin basahin, Top 10 Signs of Steemit Addiction 6 months ago post naman, ok lang tawanan ang typo ako din natatawa e hahaha.


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out steemph@steemph, steemph.cebu@steemph.cebu, steemph.iligan@steemph.iligan, steemph.davao@steemph.davao and steemph.manila@steemph.manila

Consider casting your witness votes for precise@precise, steemgigs@steemgigs cloh76.witness@cloh76.witness and ausbitbank@ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Type in the box the witness account, example below for precise@precise


dreamielygif.gif

thealliance_ladies_3.png


Top 10 Signs Ng Crypto Addiction | Ecency