Wag kang iiyak...
Wag kang iiyak...
Wag na wag kang iiyak...
Pigilan mo
Pigilan mo ang buhol na bumabara sa lalamunan mo
Pigilan mo ang pagpatak ng namumuong likido sa mata mo
Pigilan mong sumuko
Wag kang bibigay
Tumingin ka sa paligid.
Wag mong hayaang manlabo iyan ng tuluyan
Pigilan mo ang mata mong nagbabadya na sa pag-ulan
Sa dami ng tao sa mundo
Hindi lang ikaw and may pinagdaraanan
Sa dami ng istorya sa ngiti ng bawat isa.
Hindi lang ikaw ang hindi nakakaranas ng saya
Sa libo-libong taong nagdaraan
Hindi lang ikaw ang wasak at nasasaktan
Kaya't sinasabi ko sayo
Mula sa mga letrang pilit kong pinagtugma para sa salitang pilit kung binubuo.
Wag kang iiyak.
Hindi dahil takot kang maging duwag
Wag kang iiyak
Dahil ang tapang mo, hatid sa'kiy isang libong galak.
Kaya... Wag kang iiyak.
maraming salamat sa pagbasa.
Credit image to Pixabay image