ikaw at ako

Words
70
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min


Matutulog na 'ko,
kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pagbukas naman ng mga alaalang iniwan mo
Sa kung paanong ginawa mong masaya ang malungkot kong mundo
Sa kung paanong inayos mo ang magulong buhay ko
Sa kung paanong bawat pagsambit mo ng mga katagang Mahal mo ako ay parang wala ng iba sa mundong ito kundi ikaw lang at ako.


Credit image to Pixabay image.

ikaw at ako | Ecency