Good day Steemians..
** Credit to Capri23auto Heart Pixabay**
Im gonna share to you a poem i made which is about destiny love.❤
DESTINY LOVE
Akoy isang babae laking probensyana
Nagmula sa panig ng dakong hilaga
Nais kung ibahagi ang sinta kung kwento
Nang malaman niyo ang pagibig kung ito
Akoy naglakbay patungo Cebu
Upang isakatuparan ang pangarap na ito
Nang aking makilala ang lalaking chinito
Ang galak sa aking mata ay aking napagtanto
Naging kaibigan at nagkaibigan
Ang dalawang pusong nagmamahalan
Batid sa puso ko na masaya sa kanya
Nais kung maging tunay kami sa isat~isa
Ipinakilala niya ako sa kanyang pamilya
At labis na nagpapasalamat at naging masaya
Tumagal aming relasyon ng anim na taon
At nagpakasal kami sa mga sumunod na taon
Labis ang kasiyahan ng aking nadarama
Hindi ko akalain na siya aking makasama
At naging karamay sa lahat ng bagay
Sa aking makwento at makabuluhang buhay
Panalangin ko sa panginoon
Kami bigyan ng maraming pagkakataon
At gabayan sa lahat ng mga panahon
Maging maayos ang aming buhay sa ngayon
Maraming salamat Ama
Sa magandang relago na aking tinatamasa
Buong buhay kung ipinagpasalamat sa iyo
Ang binigay mong kapalaran sa pagibig na ito
Nais kung malaman niyo
Ang mala storyang buhay na ganito
Na higit na mas masaya at makulay
Kung ipinagtagpo kayo sa panahon na tunay
At ito ang kwento na pagibig ko
Hindi man maayos ang pagkakadibuho
Nais kung ibahagi ang sayang hatid nito
Na kailan man ay hindi magbabago
GOD BLESS STEEMIANS