My Uncle Ferdie To The Rescue @Ulog 10

cradle(49)
Published in
#ulogs
Words
542
Reading
3 min
Listen
Play
8y

FB_IMG_1529623241253.jpg

Medium: Samsung A7 2017

Isang nakakapagod na sandali para sa akin kagabi ang aking nasaksihan, at ito ang aking unang pagkakataon na maranasan ang ganitong uri ng trapiko sa siyudad.

Nagkaroon ng mabilis na biglaang pagbaha at mabigat na daloy ng trapiko sa buong lungsod ang naranasan sa loob lamang ng halos dalawang oras na pag-ulan kahapon. At ito ay isinisisi sa isang Thunderstorm na may kasamang malakas na ulan. Sa ganap na alas siyete kagabi kahapon ako ay nagdesisyong umuwi na sa bahay mula sa aking trabaho, nagbabakasakali na ako'y makauwi ng maaga sapagka't ang aking asawa't anak ay nag-aantay sa aking pag-uwi para sa aming hapunan. Habang ako ay naglalakad patungo sa terminal ng mga sasakyan, napansin ko na parang napakaraming tao ang nag-ipon ipon sa tabing kalsada nagbaba-kasakaling makasakay pauwi rin ng kani-kanilang bahay. Pero hindi ko ito pinansin dahil halos gabi-gabi ko naman ito nakikita tuwing ako ay uuwi ng bahay.

Kaya ako ay nagpatuloy sa aking paglalakad hanggang ako ay makarating sa terminal ng pampublikong sasakyan. Pero ako ay nagulat at nadismaya sa aking nakita ng makita kong punong-puno ng mga nakapila at nagsisik-sikang tao ang buong terminal, walang dumarating na mga sasakyan mas malala pa ang sitwasyon kesa sa aking nakita habang ako ay naglalakad. Kaya hindi na ako nagbakasakaling pumila pa at mag-antay, sa halip ako ay nagdesisyon na sumakay na lamang ng tren hanggang "North Avenue" at doon na lamang sumakay pauwi. Ngunit sa aking pagbaba nakita kong hindi rin halos magkaiba ang sitwasyon sa aking pinang-galingan.

Maya-maya pa ay tumawag na ang aking asawa, nasa bahay daw aking tiyuhin ng taga bulacan dala ang kanyang taxi at kami ay binisita, tinatanong ako kung nasaan na ako dahil anong oras na ay wala parin ako sa bahay. Kaya sinabi ko aking sitwasyon na mahirap makasakay pauwi dahil sa dami ng mga taong na-istranded sa daan, nag-aantay ngunit walang masakyan. Ang aking asawa naman ay nagwika na ganon din daw ang sitwasyon ng aking bayaw at ng kanyang pinsan pare-pareho kaming nag-aabang ng masasakyan kaya ang asawa ko at Tito Ferdie ay nag-alala, Hanggang makita daw nila sa balita na matindi ang trapiko at walang masakyan ang karamihan.

Kaya naman kinausap ako ng aking tito na kami ay magkita-kita at mag-antayan nalang upang kami ay kanyang sunduin nalang para kaming lahat ay maka-uwi na ng bahay pare-parehas. At dumating nga si tito upang kami ay sunduin ngunit laking gulat ko na hindi pala siya nag-iisa kasama rin pala ang aking anak at asawa na sumundo sa amin. Lahat kami ay lubos na nagpapasalamat kay Tito Ferdie, dahil kahit galing pa siya ng malayo ay hindi siya nag-atubiling kami ay sunduin upang maka-uwi.


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like teardrops@teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want surpassinggoogle@surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4



cradle ulog.gif

My Uncle Ferdie To The Rescue @Ulog 10 | Ecency