Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas

Words
132
Reading
1 min
Listen
Play
8y

fredrik-ohlander-624957-unsplash.jpg
Pinagmulan

Larawang Kupas

Likha ni brokemancode@brokemancode

L abing-isang taon ka nang hindi nakikita,
A ng mukha mo lamang ang laman ng aking mga gunita.
R amdam mo ba ang aking pagsamo?
A ng pagtibok ng durog kong puso?
W alang silbi ating binitiwang mga pangako,
A ko鈥檡 iniwan mo at sumakay ka ng barko.
N agkalayo ang ating mga landas,
G abi-gabi ako'y umiiyak sa piling ng iyong larawang kupas.

K inalimutan mo man ang tulad ko,
U malis at nagsimula ng bagong yugto.
P alagi mo sanang tatandaan,
A ko ay naririto pa rin hawak-hawak ang iyong larawan,
S a bawat sandali naghihintay sa daungan.


Ito ang aking opisyal na entry sa patimpalak ni jassennessaj@jassennessaj.
Kung ninanais ninyong sumali, ito ang link ng patimpalak.
Nawa'y suportahan natin ang gawang Pinoy!

Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas | Ecency