Tagalog poetry Entitled "Buhangin"

Words
163
Reading
1 min
Listen
Play
8y

Tagalog poetry Entitled "Buhangin"



Imgsrc

Sa buhangin na may isang ikaw
Napakahirap ang sa Iyo ang tumanaw
Sa sobrang laki ng saklaw
Paghahanap sa iyo puso ay naligaw
Sa dami nang butil alam ko
Pagkumpas ng alon na bumabaon sayo
Na nagbibigay sa akin ng pagkalito
Kung ang ibon ay lilipad saan dadapo
Alam mo bang pangarap ang mahanap ka
Ang makita ang iyong tingkad ako na'y masaya
Ito'y nagbibigay sa aking ng pag-asa
Kay hirap mong hanapin, Bakit ba ?
Dala mo'y yaman sa aking buhay
Bighani ang iyong taglay
Sa pagkat pinangarap din ng iba'y
Ika'y mahawakan ay mapasakamay
Sa aking pagsisid sa ilalim
Nakita ko ang ganda na iyong inangkin
Mga nagliliwanag sa aking paningin
Sadyang nakakamangha ang iyng tanawin
Ika'y isang perlas na nakabaon
Sa misteryo ng kahapon
Sa hiwaga ng ngayon
At katangi-tangi inspirasyon
Tagalog poetry Entitled "Buhangin" | Ecency