Nabasa ko sa isang munting booklet ni Sta Faustina nasasad dito na maraming paghihirap ang nasasayang dahil hindi ito iniialay para sa kulawalhatian ng Panginoon. Sa totoo lang ,matapos ko mabasa ang mensaheng ito tila may bombilyang umilaw sa itaas ng aking uluhan. Ting!.
Nabaitd ko ang bagay na ito mga isang dekada na ang nakakaraan. Salamat sa isang bagong kaibigan na nagbigay sa akin ng booklet na iyon na akin din namang ibinahagi sa iba. Syang tunay nga, imbis na magreklamo sa mga dinadanas na hirap ay bakit di na lamang ito ialay sa Diyos higit sa lahat kung ang paghihirap ay hindi rin naman maiiwasan pa.
Sa aking pagbabalik-tanaw sa aking dyornal , nabasa ko ang tulang ito na ibabahagi ko sa inyo. Isa itong gabay kung paano nga ba mas magiging kapaki-pakinabang ang mga paghihirap nating dinadanas na hindi rin naman maiwas-iwasan
Ako'y may pangarap sa buhay
Mga pangarap na nais matupad
Ngunit di nagtatagumpay
ang mga inaasam di nagaganap
Kung ito ay Iyong kalooban maluwag kong tinatanggap
Dahil kung Iyong kalooban ito'y mainam
Basta't Iyong kaloob may kapahingahan
Tagumpay maaasahan
Sakbibi man ito ng luha at hirap
Malayo man sa aking hinagap
Maglaho man sa akin ang lahat
Ang mahalaga ako sa Iyo ay manatiling tapat
Di man magkamit ng layaw ng mundo
Manatili lamang ako sa Iyo
Lahat nawa ay hindi masayang
Ang paghihirap sa Iyo iniaalay, inilalaan
para sa kagalingan ng may karamdaman
para ang pamilya ay magdamayan
para sa aking kabanalan
at upang makilala Ka ng lubusan
Balang araw ang lahat mapaparam maging ako man
Ngunit sa akin maiiwan
isang pusong nananangan
sa Diyos na tanging hangad ay kabutihan lang
Magmula ng matutunan ko na iaalay ang aking mga nararanasang hirap sa Diyos napansin ko na doon din nagmulang lumiwanag at guminhawa ang aking buhay. Hiid ibinibigay ng Diyos ang paghihirap para sa paghihirap lamang. Ibinigay Niya ito bukod sa karagdagang karunungan, ay upang magkaroon tayo ng maiaalay sa Kanya para sa mas lalong ikakabuti ng sangsinukob. Anumang uri ng paghihirap ang iyong dinadanas wag mo kalimutan iaalay iyan sa Diyos. Ang panalangin na may kasamang pag-aalay ay malayo ang nararating. Amen
Hanggang sa susunod...