TROBOL DOBOL
Ang hirap maging huwaran.
Di perpekto, ngunit lagi nalang binabasehan.
Hindi sa nanghihitaas ako, guwardiya sibil ba kita?
O, role model mo lang talaga ako?
Di ko man masabi sayo ng harapan.
Ibubuhos ko na sa ganitong paraan.
Friendly kompetesyon, iyong kinalimutan.
Ano ba talaga ang gusto mong patunayan?
Pakiusap, dahan-dahan lang.
Naaawa ako sa stress mong kagandahan.
Pilitin mo man abutin ang akong kinatatayuan.
Pagbutihan mo, dahil walang hagdanan.
Di ko maikakaila na matalino ka.
Tamaan ka man ngayon o hindi, pasensya.
Ako'y punong-puno na sa iyo.
Gusto mo ba talaga ng trobol o maging dobol ko?
Hangga't iniisip mong mataas ako;
Ikaw ay laging nasa baba ko.
Parang kaibigan kita, ngunit di ka kawalan.
Sayang bes, kabilang ka pa naman sa ating angkan.
Tila'y parang punong balete ka't bonsai ako.
Masaya ka na o gusto mong diligan pa kita?
Oo, mataas ka na.
Sana'y may kahahantungan ka.
Mensahi ko lang para sa iyo.
Gawin mo lahat ng makakaya mo.
Kung gusto mong pumunta sa itaas,
Paalam!
Ang tulang ito ay isinulat ko upang ako'y mag express lamang ng aking hinanakit (at School requirement).