Humina ang buhos ng ulan
Tumigil ang pagpatak nito ng dahan-dahan
Akala ko hindi na matatapos
Subalit unti-uting nawala ang masarap nitong haplos
Tulad ng iyong pag-ibig at pangako
Nawalan ng pwersa, nabali, sumuko.
Ako ay iyong pinabayaan
Hinayaan na ang puso ko ay masugatan.