Isang Simpleng Babae ๐Ÿ‘ฑ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ

Words
96
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Simpleng babae na mayroong matayog na pangarap

Nakaranas ng hirap at hindi lamang puro pasarap

Tahimik masikreto, pagkatao'y hindi isinisiwalat

Mga bagay na nais na organisado at hindi makalat

Makikilala lamang ng lubos kung bibigyang pansin

Aking pagkatao na hindi maipakita kahit na naisin

Ika nga ng iba'y mahiyain at talagang ilag sa tao

Sa tingin ko kailanma'y hindi na ito magbabago

Ngunit iisa lamang ang sigurado't totoo

Sa oras na ako'y makilala mo lahat ng ito'y magbabago

Makikita't masisilayan ang tunay na ako

Isang simpleng babae at totoo.

AA01BF76-2C8A-4125-A715-9FD456029FE0.jpeg
photocredits

Sana'y magustuhan niyo! Maraming salamat po.

472AF6ED-1AE3-403D-9E32-5A678B8D2BD2.jpeg

2ACFD5B7-698F-43D9-ACF7-7305A1FC4FE2.gif

Isang Simpleng Babae ๐Ÿ‘ฑ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ | Ecency