Musika ng Buhay. 'Never Give Up'

Words
442
Reading
2 min
5y
Listen to this post
~3 min

IMG_20211122_155209.jpg

Mga araw na naman ay lumipas. Kumusta mga ka hive. Kaya pa ba? Pahinga muna saglit at sabay nating pakinggan ang awit na aking isinalin sa wikang Filipino. Ikaw na napagawi dito sa aking pahina, halika na at pindutin ang video habang binabasa ang aking sulat.

Kumusta? O ikaw na aking tagabasa. Meron bang bumabagabag sa iyong araw at napasimangot ka nalang. Kung titingnan ka ay sadyang masayahin at mukhang walang inaalala. Huwag mong mamasamain, iniiwasan ko ang tumungin sa panlabas na anyo lamang. Natuto na ako sa bagay na yan sa matagal na panahon. Sino ba ang taong walang inaalala? Dahil ang mga tao na yon ang tunay na payapa at kahit na may takot hindi nila iyon pananaigin bagkus hinaharap nila ng may puso. Buksan ang isip na kahit pa man matatapang na tao may kahinaan pa rin. Walang perpekto. Tanging si Jesus lang.

Alam ko na ikaw ay palaban. Kaya mong lumaban, kahit sa dulo ay talo. Ibigay mo ng buo sa Kanya lahat lahat ng mga problema at huwag titigil ng humingi ng mga biyaya. Magdasal kahit paulit-ulit pa ang mga iyan. 'Huwag Sumuko', maghintay at maniwala.

Source:

'Never Give Up'
by fearless soul music

Gusto ko nang sumuko
Ubos na sa mga bagay
Na aking pasan pasan
Sinubukang itaas ang noo
Sinusubukang ipanalo ngunit laging talo

Dapat maging mabuti na
Sinubukan, sumubok
Ngunit hindi ko na alam ang gagawin
Sana ito ay hindi magpakailanman
Gusto ko lang naman ang maranasan ang tagumpay

Ngunit, dito sa loob may nagsasabing
'Huwag sumuko'

Lahat ng dagok ay mga paghahanda
Kung patuloy na lumaban
Kung patuloy na subukan
Kung ang hangad ay langit

Isang araw mga bagay ay maging kakampi
Isang araw mga bagay ay maging kakampi
Isang araw mga bagay ay maging kakampi

Kailangan kumapit
Kutob ko isang araw lahat magbabago
Hindi mabuhay sa takot
Alam ko dapat danasin ang sakit
Dapat nang maniwala sa sarili
Kung hindi sarili, sino ang gagawa para sa akin

Ngunit, dito sa loob may nagsasabing
'Huwag sumuko'

Lahat ng dagok ay mga paghahanda
Kung patuloy na lumaban
Kung patuloy na subukan
Kung ang hangad ay langit

Isang araw mga bagay ay maging kakampi
Isang araw mga bagay ay maging kakampi
Isang araw mga bagay ay maging kakampi

Hindi bibigay
Hindi susuko
Ang ngayon, ay maging akin na

Hindi bibigay
Hindi susuko
Lahat ay nagbabago

Isang araw mga bagay ay maging kakampi

1637814361231.gif

Magandang araw sa lahat, ako ay patuloy sa aking adhikain dito sa pahina ng #tagalogtrail. Ang magsulat sa sariling wika dito sa hive world. Halika na at magbahagi ng iyong akda gamit ang ating wika.

Paalam sa ngayon.Hanggang sa muling awit ulit. Bye:)

Musika ng Buhay. 'Never Give Up' | Ecency