Kailangan ko bang mamili kung mamahalin pa ba kita
O tuluyang kakalimutan na.
Kailangan ko bang pumiling makasama ka o tuluyan ng mag-isa
Dapat kung isipin
Dapat kung alalahanin
Paano ba tayo nagsimula
Paano nung una
Ang bawat araw ay simple lang pero masaya
Walang pagpapanggap
Walang iniisip kung anong bagay ang makakasira.
Naniniwala akong galing ka kay bathala
Naniniwala akong ikaw
Ikaw ang papawi ng mga luha
Bawat sambit mo ng kumusta kana
Ay tilang walang katapusang pagpapaalala na sa wakas
Sa wakas nahanap ko na ang aking walang katapusang ligaya.
Wala ng pagbabaybay ng mag-isa
Wala ng pag-iisip kung paano sagutin ang tanong "Bakit ka nag-iisa?"
Alam ko
Masaya ako dahil ikaw ang syang nakakasama
Isa kang princesa
At ako ang iyong principe
Ikaw ang aking princesa
Sabay nating lilikhain ang munting paraiso natin
Sabay nating iwan ang kaguluhan at haharapin ang buhay na gusto natin.
Ganito tayo
Hangga't di ko na maalala kung paano
Kung kailan nagsimula
Na tila ang bawat pagmamahal ay nawala na
Nawala na ang lahat, unti unti.
Hindi ko alam kung papano
O kailan nagsimula
Pero alam ko
Nararamdaman ko
Unti-unti mong sinasabi ang katotohanang mawawala kana.
Walang pagtatanong pero
Patuloy akong naniwala
Naniwala na sabay natin 'tong malalagpasan
Dahil alam ko
Malinaw ang iginuhit nating kastilyo.
Sinabi ko sa sarili
Dito lang ako, ano man ang mangyari
Ano man ang sakit
Kakayanin ko.
Pero bakit ganun
Bakit ko kailangan masaktan
Kung ang gusto ko lang naman ay magmahal ng tuluyan.
Kailangan ko bang mamili?
Kailangan ko bang mamili kung mamahalin pa kita
O tuluyang kakalimutan na
Kailangan ko bang pumiling makasama ka
O tuluyan ng mag isa.
Di ko alam
Natatakot ako
Hindi ko alam
Naduduwag ako
Pero kailangan kong mamili
Kailangan kong mamili
Kung mamahalin pa kita, o tuluyang kakalimutan na
Kailangan kung pumiling makasama ka
O tuluyan ng mag-isa.
Patawad
Pipiliin kung magmahal
Patawad
Pipiliin kung mabuhay ng wala ka.
SALAMAT SA PAGBASA! ☺
Gear: Canon EOS 700D
Lens: Canon 18-55 mm Kit Lens
Aperture: f/4
ISO: 400
Exposure Time: 1/500 s.
Ciao! 😉