Bakas ng kahapon

Words
116
Reading
1 min
Listen
Play
8y



Tila hindi lilipas ang unos na dumarating sa aking buhay

Bakas ng kahapon na kay hirap kalimutan

Sugat na iniwan, sariwa pa sa isipan

Hirap na dinanas, hindi kumukupas



Sadyang ganyan ang buhay, kailangan nang masanay

Minsan sa itaas, minsan ay sa ibaba

Parang presyo lang ng "SBD at Steem"

Mapag-larong tadhana, sa akin ay tumama



Ang pag-titiwala ay madalas madiling makuha

Nasira ng minsan, hindi na kaylanman maibabalik

Malakas na tibok ng puso, kahit pa ako'y nadurog

Panahon ang makakapag-sabi kung kailan ako mag-titiwala ulit



Hindi araw-araw ay pasko, Oo: pinatawad na kita

Pero hindi ko nakakalimutan ang lahat lahat

Mas pinili ko mabuhay sa malayo, sagrado at banal

Pilipinas na bansang sinilangan, aking ikakarangal






GIF-180316_162802.gif

Bakas ng kahapon | Ecency