Kung sa akala mo
Ika'y walang tungkulin
Maliit man sa lipunan
Ika'y mahalaga
Isipin mo nga, ano ba ang lipunan?
Di ba't ikaw, ako at sila
Tayong lahat, bumubuo nito
Pag ika'y di kumilos
Paano ako, at
Paano ang iba?
Hindi man maarok
Ano ba ating layunin?
kani-kanya ay may direksyon
Dangan lang ay iba-iba
Adhikai'y di nagkakatugma.
Subalit kung magkakaisa
Kahit relihiyon at paniniwala'y magkaiba
Kung sa pulitika at adbokasiya
Mithiin ay pagpabuti,
Wala sanang kaguluhan.
Korupsiyon parang laro lang
Musmos pa lamang
Natututo na
''Akin na iyan, ito naman sayo''
Hindi man nila maunawaan.
Sa karamihan kung ika'y naiiba
Salot sa lipunan, ika'y babansagan
Kay lupit ng malupit
Ang gupit ay ginigipit
Pansariling layunin, iginigiiit.
Tama na kaibigan! Tayo'y magkapatid
Ang ating sinilangang banwa
Dahan-dahang nasasakop ng banyaga
Baka mamulat isang araw
Bansa natin ay tahanan na ng iba
Paano tayo?
Paano ikaw?
Saan tayo titira?
Magpapa-alipin na naman ba?
Ako? Ayoko na...