馃敄Sa Malayong Nayon - Philippine Poetry [Tula #2]馃敄

Words
164
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

nayon.jpg



Patuloy ang daloy ng maraming pagbabago;
Kasaysayan ng buhay natin sa mundo
Ang dating tradisyon ngayo'y naglaho
Sa dayuhan tayo'y nagpatalo.

Na kung minsan sa kanila'y lumalapit
Magpahanggang ngayon tayo pa rin ay kumakapit
Independenting ituring sa ating bayan
'di pa rin makapagsarili ng masinsinan lang.

Kahit sa ating salita...
Tayo pa rin ay nagiging banyaga
Kahit sa sarili nating uri
Hindi alam ang tunay na pagmamay-ari.

Ano ka ba talaga?
At sino ka sa knila?
Hindi ko makuha ang sagot na tama
Pagkat wari'y naguguluhan kung ano ang paniniwala...

Alam kong maroon kang sasabihin
Isapuso mo sa diwa't ito'y sambitin
Maglakad tayo ng masinsinan sa hardin
At anyayahan ng inuman hanggang magdamagan.

Sa diwa mong Pilipino
Tayo ay muling mamuno,
Magka-isang isigaw sa bawat puso;
Ang hinaing walang batid na luho.

Ang tunay na Pilipino ay nasa'yo
Pagkat akay-akay ng inang bayan mo!
Kung saan isinilang ang isang bata
Sa malayong nayon kung saan ka nagsimula.



Salamat sa Pagbasa! Thank you for reading!


-aclenx



final-banner.gif


馃敄Sa Malayong Nayon - Philippine Poetry [Tula #2]馃敄 | Ecency