Word Poetry Challenge #1: Larawang Kupas

Bata pa lamang ako nang ika'y ipinakilala sa akin,
Iwan ko ba't magaan ang aking loob sa'yo.
Ako'y napamahal sa'yo.
Nang ako'y nagdalaga, maraming problema.
Ngunit sa panahong iyo'y di mo ako pinabayaan.
Kahit ilang beses akong umiyak, ako'y di iyong sinukuan.
Maraming beses din akong sinubok ng tadhana.
Marahil ay sinukat nito ang aking paniniwala.
Ngunit ang pagmamahal ko sa'yoy sadyang totoo.
Na siyang bumubuo sa aking pagkatao.

Larawan mo noon ang nagpapasaya sa'kin
Ngunit kahit di kita nakikilala'y ako'y masaya pa rin.
Ngunit may bahagi sa aking pagkatao na nagtatanong : ikaw ba'y totoo?
Isang gabi'y ikay napaginipan kita at nagsasabing ika'y totoo.
Ako'y napaluha sa sobrang saya.
Ilang ulit mo na akong ginabayan
Ilang ulit mo na akong 'di pinabayaan.

Ang pagmamahal mo'y kailanma'y di masusukat.
Sapagkat ika'y si HESUS na walang katulad.
Larawan mo man ay kukupas.
Ngunit ang pagmamahal ko sayo'y wagas.
image

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now