Word Poetry Challenge #1: Larawang Kupas

3155035-GALNPPRP-7.jpg
Photo Source

Larawang Kupas


Hawak ang kupas na iyong larawan,
Na paulit-ulit kong pinagmasdan
Inaalala kung saan ba ako nagkulang
Mga kahapon natin ay parang kalian lang


Mga ngiti na sakin pinukol,
Ngayon sa iba mo na ginugugol
Mga matatamis na salita,
Ay hindi ko na ulit matatamasa

Ngiti ko’y napawi
Pinalitan mo ng hapdi
Tiwala sa sarili ay biglang nawala
Landas na tatahakin ay naglaho bigla

Batid ko’y masaya ka na, sa piling ng iba
Pero hindi ako sanay nawala ka
Kaya paki-usap bumalik ka na aking sinta,
Dahil itong puso ko’y ikaw lang talaga

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments