Nagsimula sa liriko ng kanta at
nagmamahalan
Nakadungaw sa bintana ang
magandang dilag
Hinaharana ng binata upang ang pag-big ay maipahayag
Ay sumasabay din ang kanilang mga puso
Hahabulin man ng aso, ay hindi parin sumusuko
Hanggat di masungkit ang pa-ibig na sinasamo
nakaraan
Noong mga panahong si lolo at lola pa ay nagsusuyuan
Kinantang lumang harana, sagisag ng pagkamakatotohanan
Na s'yang simula ng kanilang dalisay na pagmamahalan
Sa paglipas ng panahon ay paunti-unti na ring nawala
Ang kabataan ngayon kahit sa text lang ay sila na
Mga payo ng nakakatanda lahat ay
baliwala
Kaya sa huwad na pag-ibig
kadalasan sila ay biktima!
Ang tula kung ito ay kalahok sa patimpalak ni @jassennessaj. Ito ay isang kwento nang aking Lolo at Lola noong nagliligawan pa sila.
Maraming salamat po.
May akda,
@juichi