#Ulog | Sino nga ba sya? Hiwas o Sapateros?

Magandang Buhay !

Matagal tagal na din akong hindi nakakatikim ng isda kaya naman naispan kong magluto nito para sa aming tanghalian.

Gumorabells kami agad ng junakis ko sa palengke para maghanap ng isda na pwede kong lutuin. At sa aking paglilibot, umagaw ng atensyon ko ang isdang malapad at makinis ang balat. Tinitigan ko ang isda, pilit kong inaalala kung anong tawag sa kanya.

Nakakatawang isipin na hindi ko alam ang pangalan nya samantalang tindera ng isda at gulay ang nanay ko sa palengke lol. At dahil mahiyain akong tao (weh?) hindi ako nagtanong sa tindera kung anong isda nga ba ito. Basta ko nalang sya binili hahaha!

36087810_1327099797392413_3369704123510292480_n.jpg

So ayon! simpleng luto lang naman ang gagawin ko sa isdang ito. Paksiw ala Sheshe

Ang mga kailang mo lang na sangkap ay:

1/2 kilo ng Isda
1/2 cup ng Suka
1 Sibuyas
1 Bawang
1 Luya
Paminta
Magic Sarap

Umpisahan na natin! Hiwain ang Luya Bawang at Sibuyas.

28907048_1229381393830921_1192155625_n.jpg

Iayos ang Isda sa kawali na iyong paglulutuan, Ilagay ang mga nahiwang sangkap sa ibabaw ng isda kasama ang Suka, Paminta at Magic Sarap.

35855946_1327099577392435_720731091777880064_n.jpg

Hayaan mo lang kumulo bes! Pag feeling mo luto na ang isda tikman mo ito.

36114122_1327099250725801_7127652442807730176_n.jpg

At dahil sobrang asim nya. Nilagyan ko ng Patis pero depende sayo kung ano ang mas gusto mo. Kung mas gusto mo ng mas maasim wag mo ng lagyan ng Patis o Asin pero kung kagaya kita na mas gusto sa Paksiw ang maalat alat ay siiiyaaaaa! lag-an mo na ng pat-is! lol

Tadaaaaa! ito na sya mga beshiwa! Paksiw na Di Malaman kung Hiwas o Sapateros ala Sheshe with Love

36088012_1327099280725798_404654432601505792_n.jpg

Hinihingi ko ang inyong opinyon mga kapwa ko kusinera! Nagsearch ako kay Pareng Google pero mukang kambal si Hiwas at Sapateros. Di ko malaman kung sino ang sino! hahaha!

Kaya kaibigan kung nais mo kong tulungan na malaman kung sino nga ba sya? si Hiwas o Sapateros, Maaring itext ang iyong iboto! e.g VOTE SAPATEROS/HIWAS and send to 2366! Charot lang besh! icomment mo lang sa ibaba lol Hahaha!

Salamat! Abangan ang susunod ko pang iluluto :)

PHILIPPINES: 24th of June, 2018 : Sunday

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
12 Comments