Tula, Isang Katha :: MAPALAD KA | Makita sana natin ang ibang bahagi ng ating kabiguan

images (3).jpeg

Mapalad Ka

Sa paggising mo, iyong makikita
Ang isang araw na pasikat na
Ngunit 'di mo pansin at alintana
Ang hatid nitong pag-asa sa iba

Patuloy ka sa iyong mga reklamo
Na tila ba, buhay mo ay puro bigo
Wala ka nang bukambibig
Kundi ang 'di mo masungkit na pag-ibig

Akala mo buhay ay tila isang laro
Na pag ikaw ay nabigo,
Gusto mong i-"reset" at simulan muli
Pero buhay naman ay hindi

Magpapatuloy ka, kahit hindi mo gusto
Babangon ka kahit masakit man sa'yo
Dahil mas marami ngayon sa mundo
Ang gustong-gusto mabuhay 'di tulad mo

Ang iba ay nakikibaka sa mga bala,
Mayroon din sa mga kabiguan nila,
Sa mga sakit na sa kanila'y pumapatay ng walang awa
At sa mga dahilan na 'di natin lubos mahinuha

Kaya mapalad ka pa rin,
Sapagkat lahat kami ay umaalalay rin
Sa iyo na aming kaibigan
Pero sana iyong masilayan
Kung gaano ka pa rin kapalad sa iyong kinatatayuan


Minsan, nakikita natin ang bigat ng ating kabiguan ngunit nakaklimutan natin ang ating kasiyahan na nagdadala ng pag-asa. Dahil dito tayo ay unti-unting kinakain ang ating kaligayahan at ating rason na mabuhay ay minsan ng binabalewala.

Kaya kaibigan, bago mahulit ang lahat ay sana makita mo kung gaano ka pa rin kapalad sa kabila ng lahat.


Isang Tula, Isang Katha para sa pusong sawi at nangangailangan ng kalinga

Image source

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now