Tula # 4: Para sa aking Ina

03 Angel Cacnio - Ulirang Ina - Acrylic on Canvas - 18in x 24in.jpg

Sa loob ng siyam na buwan ako ay iyong inalagaan
Minahal at inaruga sa loob ng iyong sinapupunan.
Lahat ng sakit ay iyong tiniis
Upang makita ang aking mga ngiting matatamis.

Pagod at hirap ay bakas sa iyong mga mata
Ngunit hindi ka sumuko, aking dakilang ina.
Lahat ng paghihirap ay iyong naranasan
Upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan.

Salamat Ina sa iyong labis na pagmamahal
Pagmamahal na hindi natitinag kahit ng bakal.
Pangako, ika'y aking aalagaan
Ngayon, bukas at magpakailanman.

Image source: Google

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center