Tagalog Poem #8 || Ano Bang Nakita Mo Sa Kanya #PHILIPPINES

Sa iyong paglisan
Maraming katanungan ang nabuo sa aking isipan
Bakit mas pinili mo ang sumama sa kanya?
Hindi ka ba naging kontento sa akin at naging masaya?

Ano bang nakita mo sa babaeng iyon?
Ayaw na ayaw sana kitang bitawan
Pero namulat ako sa katotohanan
Na may iba ka na palang gusto at nararamdaman

Ibinigay ko naman lahat sa relasyong ito
Pero hindi ka pa rin marunong makuntento
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang
Naging mapagmahal naman ako at naging magalang

Siguro nga talo ang pagmamahal ko sa'yo
Sa paglalandi at paglalason niya sa utak mo
Sana matauhan at bumalik ka na
Bago pa ako magbago at maging arizona

Mahal na mahal kita
Sana makita at maramdaman mo iyon aking sinta
Kahit na ipagpalit mo man ako sa kanya
Palagi mong tandaan na nakaukit ka sa aking memorya


Ano Bang Nakita Mo Sa Kanya
6 / 25 / 2018
by: @abichan

2-6.jpg

Link Here

This is your steemit friend,
@abichan
Keep on steeming everyone!! 💕

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now