Ang pamilya ang nagsisilbing sandalan natin
Tuwing may problema tayong haharapin
Palagi silang nandiyan
Tuwing tayo ay nahihirapan
Pero matatawag ba natin itong pamilya
Kung ang haligi ng tahanan ay wala na?
Mahirap tanggapin na lumaking walang ama
Dahil sila ang ating tinatakbuhan tuwing may problema
Gabi-gabi iniisip ko kung anong pakiramdam
Na may amang nakikinig sa mga kwentong aking dinaramdam
Mga kuwentong walang sawa kong ikukuwento sa kanya
Kahit aabutin pa kami ng umaga ngunit wala na siya
Marami namang nagmamahal sa akin
Pero iba pa rin ang pagmamahal ng isang ama aking inaamin
Nandiyan naman sila ina pero dumating rin yung panahon
Na sana buhay pa ang aking ama sa isa pangpagkakataon
Kaya ang mga kumpleto pa ang pamilya
Maswerte kayo dahil hindi madali maging ulila kaya
Lubusin niyo na habang sila'y nasa tabi niyo pa
Dahil kung kunin na sila ng Diyos, siguradong iyakan na!
P.S. This poem is dedicated to all family who misses their fathers.
That's all for today,
Keep on steeming folks! 💕