Pagtatagpo (w/ English translations)

Mahal, 

Darating yung araw na pagkagising ko ikaw ang unang makikita ko. Maghahatid yun ng ngiti sa aking mga labi at tila ba magtatagal ito hanggang sa magdapit-hapon na. Hindi na yung screen ng cellphone ko ang aatupagin ko para mag-good morning at kamustahin ka lang. Hindi na rin aabot sa punto na madidismaya ako kasi andiyan ka lang naman sa tabi ko humihilik at yung mga braso mo ay hinihigaan ko.

Darating yung araw na hindi alarm clock ko ang gigising sa akin, kung hindi ang mga yapos, halik, at tila nakakatunaw mong pagtawag sa pangalan ko. Ngayon pa lang ang sarap ng isipin ang mga alaalang ibubuo pa natin. “Irog ko, gising na. Simula na ng isang napakagandang araw na kasama ka.”Hindi man ako sanay na ginagawa mo yung mga bagay na yun na paulit-ulit dahil tila ba ayaw rumihestro sa utak ko ang mga bagay na kagaya nito. Maganda din siguro yun kasi hinding-hindi ako magsasawa sa mga paglalambing mo.

Darating yung araw na paglulutuan kita. At kahit hindi man perpekto yung pagkaprito ng itlog at pagsaing ng kanin e kakainin mo yun at papasalamatin mo pa rin ako kasi mahal mo ang 


nagseserbisyo sa yun. Gagawin mo rin ang mga bagay na yun sa mga araw na tila ba wala na akong ganang gumising at gusto ko lang maghihilik.

Darating yung araw na sabay tayong maghaharutan sa gabi hanggang sa madaling araw. Pupunuin ko ng kiss marks ang katawan mo at ikaw naman tong tila galit kasi hindi ka na naman pwedeng magsleeveless. Sa isip ko, akin ka lang at walang pwedeng umagaw. Tignan lang natin at di ka pa mahiyang maghubad sa harap ng iba.

Darating yung araw na ako na aalaga sa yo pagkatapos mong arugain ang mga tao sa tabi mo. Hindi mo na mararamdaman na mag-isa ka sa buhay kasi ako ang iyong kaagapay. 

Sa tuwing masakit ang katawan mo, imamasahe ko. Sa tuwing pagod na pagod ka, ipapahinga kita. At sa tuwing gusto mo ng sumuko sa buhay, ipapaalala ko sayo kung gaano kasarap ang gumising ng may nagmamahal sa iyo ng sobra-sobra. 

At darating yung araw na hindi ka na malulungkot kasi pupunuin ko ng ligaya ang buhay mo. Pupunuin ko ng kulay ang iyong madidilim na araw. Kakantahan kita, sasayawan kita, ipagluluto kita, pipintahan kita, iguguhit kita, at pagsisilbihan kita. Ikaw, ako, at ang magiging anak natin ang kokompleto sa isang masayang pamilya.Nakakatuwang isipin na hindi pa nga tayo nakapagluto pero tila busog na tayo sa piling ng bawat-isa.Hindi na natin kailangan ang mga materyal na bagay para maipadama natin sa isa’t-isa kung gano kalaki ang pagmamahal natin. Sapat na sapat na andiyan ka sa tabi ko. Yun na nga siguro ang tinatawag na langit sa lupa.


Para sa irog ko dahil pangsiyampang na buwan na kaming agmamahalan.


Dear, 
The time will come when you would be the first person I see when I wake up. It will bring a smile on my lips and it would last until the sun comes down. I would not need to constantly use my phone just to greet you and check how you had been. I would not be dismayed because you are just beside me on bed snoring while my head rests on your arm.
The time will come when I would not rely on my alarm clock just to wake up; but it would be your sweet embraces and kisses, and your bedroom voice that would keep calling my name. I am ecstatic thinking of what lies ahead for the two of us. "My love, wake up. It is a start of a wonderdul day with you". I may not be used to it. I think this is better for I would not be tired of your sweetness. 
The time will come when I would cook for you. No matter how imperfect my fried eggs are and the rice that I cooked, you will still eat it and thank me because you love me. In return, you would do the same thing in times when I would not feel alright. 
Time will come when we would spend endless nights playing in bed. I would fill your body with kiss marks and then you will act mad at me because you cannot wear sleeveless clothes. At the back of my mind, no one could ever take you away from me. Let us see if you have the confidence to show your body to someone else. 
Time will come that I will be taking good care of you after taking care of the people around you. You will never feel alone because I would be your shoulder to lean on
 Every time your body aches, I will massage it. Every time you are tired, I will let you rest. And everytime you want to give up on life, I will always remind you how wonderful it is to wake up with people that loves you so much
And time will come that you will never feel lonely anymore because I will fill your life with happiness. I will put color on your dark life. I will sing for you, dance with you, paint you, draw you and serve you. You, I, and our children will complete a happy family. It is noteworthy that we might have no eaten anything yet, but we will still be satisfied with the presence of each other. 
We do not need the material things for us to feel how special we are  for each other because our love is more than enough. Maybe that is what they call heaven on earth.


H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center