Sa Dapit-Hapon - "Filipino Poetry"

"Dapit-Hapon"


sunset-3156176__480.jpg

https://pixabay.com

Tahimik na namumuhay ng mag-isa,
Sapagkat inulila na ng mga kasama.
Ang tahanang dati'y puno ng ligaya
Ay binalot ng kalungkutan ng pag-iisa.

Nakadungaw sa bintana habang tulala,
Ginugunita ang masayang ala-ala ng pagkabata.
Nililibang ang sarili sa tumba-tumba,
Upang maibsan ang lungkot na nadarama.

Kunot ang balat at malabo na ang mga mata,
Nasa isang sulok at hindi na makakilala.
Ang makisig na katawan ay lagpak na,
Wari'y sinasabing kailangan ng magpahinga

Sumapit na ang hangganan ng kanyang pagtanda,
Ipinagpasa-diyos ang nalalabing hininga.
Humingi ng tawad sa mga kasalanang nilikha,
Nagpasalamat sa lahat ng biyayang tinamasa.

Pananalig sa lumikha ang tanging gabay,
Sa natitirang lakas na malapit ng bumigay.
Malamlam na rin ang sulo ng buhay,
Tanaw na ang "Dapit-Hapon" ng paglalakbay.


Maraming Salamat sa Pagbasa!


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens


DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us at Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us at Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us at Gratefulvibes Family on discord | https://discord.gg/JYUnUWV



gvlogoforfooter.png

cradle.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now