Kahit Ano Na Lang

kung ano na lang.jpg
Heto, o, kahit ano na lang.

Kahit anong isulat, basta may laman ang account ko ng .01.

Kahit ano isusulat magkalaman lang ang wallet ko sa ikapitong araw.

Kahit ano na lang isulat basta nariyan pa ang mambabasa sige sulat lang. Kahit anong laman ng isusulat ko, ano naman pakialam nila, nagsusulat naman ako. Hindi naman ako tamad magsulat. Heto nga, o, e, ano naman silbi ng de-kalidad na gawa mo kung nilalampasan naman ito. Kaya kahit ano isulat na lang. Tungkol sa asong gala na nasagasaan ng bisikelta ng batang paslit sa tapat ng bahay ni Aling Concha. Isulat ko iyong taong kakilala ko na nagpagamot at namatay din. Tsk! Umabot pa nga ng 3 Milyon pero namatay pa rin. Ano pa? E, di ito nagsusulat. Ano pa nga ba gagawin dito alanganan namang tumunganga ako?

Gagawa ako ng kakaiba? Lol! Anong kakaiba bang isusulat ko? Makakita ako ng alien at mag-usap kami tungkol sa Steemit? Ano pa? A! Talon ako ng dagat baka makakita ako ng alien sa ilalim ng dagat o di kaya serena at interbiyuhin ko sila? Paano ba sila nagawi sa ilalim ng dagat? Shy ba silat at kailangan pang habulin sila para makita hitsura nila kung anong klase ba silang alien! Ano ba't bakit di kayo nagpapakita sa madlang people. Ganda sigurong artikulo ito. Teka, baka di na naman pansinin, lol!

Heto kahit ano na lang, ano ba maisusulat ko sa araw na ito. Marami pero may papansin ba? Ewan di ko alam. May magbabasa ewan din kung meron. Kaya nga sulat lang ng sulat. Malay natin may makikita sa ating pinagsusulat na walang kuwenta at mabigyan ng upvote kahit .01, o di ba ang saya na!


San Mateo, Rizal
February 24, 2018

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.

I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.

SD logo here

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center