De-Kalidad Nga Ba Ang Kailangan?

blog
pixabay

May dahilan ba na hindi gustuhin ang isang bagay na nakikita mo namang maayos, malinis, maganda ang pagkakasaayos ng isang bahay? Natural, gugustuhin mo. Hindi magulo, hindi mabaho, hindi maagiw, hindi kakikitaan ng anumang uri ng dumi sa bahay!

Ngayon, paano mo ba sinusuri ang isang bagay? Hindi ba para ka ring nangingilatis ng iyong gusto? Tinitingnan mong mabuti kung magkakasundo kayo? Inaalam mo muna kung sino siya? Tinutukoy mo ang dapat na alam mong malaman sa kanya. Hindi ba para kang detective, inaalam mo ang tunay na pakay niya sa iyo pero obvious alam mong makikipag-ugnayan siya sa iyo o sa madaling sabi GUSTO KA NIYA MAKARELASYON! Ang hina naman mo namang umintindi kung hindi mo pa laman ang pakay o tukoy niya sa iyo.

rep
thumbor

Masakit mang isipin ngunit hindi lahat ng mga de-kalidad na uri ay nabibigyan ng pansin, nabibili, nakukuha, nababayaran o di kaya BINABASA. At kung ilan mang MILYON NA DAHILAN ay hindi ko alam. Malay ko rin ba. Hindi naman ako boss.

Marami akong nakikita dito na magandang hubog sa impormasyon, malusog ang pagkakahawak ng kanyang wika, busog sa pagkakalahad ng gustong sabihin ngunit parang walang nakakita o nakabasa man lang. Nakapagtatakang para namang napag-iwanan ng panahon at parang nasa kuweba ang kanyang artikulo at di man lang nasuri ito at nabigyan ng pansin?! Ano meron? Namimili ba? Kailangan ba na magpalaki ng bumper? Magpaguwapo? Sumipsip? Ano kaya? Dahil ba sa mababa ang reputasyon? (Naalala ko tuloy ang pelikulang Reputasyon noong dekada 90s). Nakakapagod mang isipin ang ganitong uri sistema, pero sa tagal ko bilang encoder, graphic designer, typesetter, e, sa design pa lang ng post makikita mo kung balahura ang blog o hindi, lalo na sa librong dinidesenyo ko, mas metikoloso ang mga editors at author na kilala ko. Sinusuri nila ang libro minsan kasama pa ako sa pagdedesisyon, pero dito sa napakaliit na article parang wala akong makita manlang kung ano na nangyari at wala man lang makita akong editor's remarks o proofreader's remark mula sa spelling, grammar, photos, composition ng kabuuhan nito, wala akong nakikita kahit minsan sa halos walong buwan ko dito. Bakit kaya? E, pinaghirapan di namang ginawa ito ng mga blogger. Tsk.

De-kalidad nga ba ang kailangan sa blog o article? Kailangan pa kayang i-proofread ko ang gawa kong ito para malaman ko kung may babaguhin pa ako? O, ano nga ba?


San Mateo, Rizal
February 23, 2018

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.

I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.

SD logo here

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center