Doppleganger is real

doppelganger-stories.jpg

Ang doppelganger /do–pel–ga–nger/ (sa German: doppelgänger na ibig sabihin ay "kadobleng naglalakad") ay isang kababalaghan kung saan ang isang taong nabubuhay ay may mala-multong kapareho[1] na karaniwang tinataglay ang kasalungat o masama nitong ugali. Sa kasalukuyang gamit, ito ay tumutukoy sa isang tao na may kamukha o kaya'y kapag naaaninagan ang sarili sa gilid ng kanyang paningin, kung saan ito'y imposibleng maging sariling repleksiyon lamang. (Google source)

Years ago naka expirience na ako ng ganito "The Doppleganger" at neto lang nangyari ulit. Sobrang creepy

Sa ibang kultura, pinaniniwalaan naghahatid ng kamalasan o naghuhudyat ng karamdaman o panganib ang doppelganger kapag nakita ito ng nakakikilala rito, samantalang pangitain naman ng kamatayan kapag nakita ng sarili ang kanyang doppleganger.[2]

First encounter ko neto nasa edad siyam o sampu ako noon. Mahilig akong pumunta sa tiyuhin ko na may kasuyan ( cashew farm ). Doon ako lagi pumupwesto sa ilalim ng puno na may duyan at wala doon ang tiyuhin ko pero kasama ko naman ang nakatatanda kong pinsan. Pumasok sya sa loob ng bahay nila sandali at lumabas din at nag paalam ang sabi nya sa akin pupunta sya sa hulo at bibisitahin ang tiyahin namin sabay umalis na sya. Mamaya bumalik sya agad nagulat ako ang sabi ko " oh ang bilis mo naman po ata bumalik" Hindi na nya kinibo at deredercho lang syang pumanik sa bahay nila at lumingon pero di ko na aninag ang muka. Dahil bata pa ako non hindi ko na lang pinansin. At makaraan ang ilang oras napansin kong di sya lumalabas ng bahay at bigla na lang syang dumating at ang sabi sakin "pasensya ka na ngayon lang ako". Sobrang nagulat ako sa sinabi nya at kinwento ko to sa kanya at kahit din sya hindi makapaniwala.

Pangalawang beses na nangyari sa akin ay neto lang February 25,2017. Ipupunta namin sa hospital ang anak ko non dahil kailangan mailaboratory ang dugo at ihi nya. Bandang alas sais noon nung paalis na kami. Kasama ko ang partner ko, panganay ko at ang bunso ko. Pero bago kami umalis nagtanong ako sa LIP ko kung magdadala pa ako ng jacket ng bunso ko. Nasa garahe sila non. Ang sabi ng LIP ko "sige" at dali dali akong kumuha ng jacket. Noon pumasok ako ng bahay namin nasa garahe pa sila at noon lumabas ako inaayos ko pa ang jacket ng bunso ko sabay nagsalita ako ng "Tara na alis na tayo" pero nakayuko ako. At eto na nga ang nakakagimbal nasa labas na pala ng gate ang mga mag ama ko at nabigla ako sabi ko "ohhh sino yung kinausap ko sa garahe akala ko nakatayo pa kayo don?" Tapos ang sabi ng LIP ko "kanina pa kami nakalabas". Doon na nagsimulang magtaasan ang balahibo ko dahil napansin ko talaga na nakatayo pa sila doon. At sa sobrang takot ko biglang nagdasal ako dahil paalis kami noon. At salamat naman sa Diyos walang masamang nangyari sa amin.

Dito sa bahay namin hindi lang ako ang naka expirience ng ganito pati na rin ang tatay ko. Nakita nyang nakahiga at nakatabi sa kuya ko ang pamangkin ko alas tres ng umaga. Pero ang totoo neto KATABI NAMIN NATUTULOG ANG PAMANGKIN KO SA KWARTO.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center