Spoken words

Spoken words for @emonemolover. 😉

"Ako'y isang tagahanga mo"
02/18/2018

Gusto kita mahal kita pinapangarap kita
Pero hindi ko na hinahangad pa na yung salitang "tayo" sa ating dalawa
Gusto kita mahal kita pinapangarap kita
Pero okay lang na ako lang yung ngmamahal na mag isa
Mahal kita hindi dahil sa ganda mong aking nakikita
Mahal kita dahil sa busilak ng yong puso damdamin ko'y nahalina
Gusto ko sanang sabihin sayo na mahal kita gusto kita pinapangarap kita pero inuunahan ako ng kaba
Ayoko naman din sirain ang ngiti sayong mga mata sa twing kasama kita
Pero huwag kang mag alala
Hindi ko naman sisirain ung nasimulan nating dalawa
Sapat na sakin ung maging kaibigan ka
Nakakausap ka, napapatawa ka Kahit na saki'y wala kang nadarama
Ayos na sakin yung ganito
Ung pinagmamasdan ka sa malayo
Habang minamahal ka ng patago
Ayoko naman kasing isugal tong pagkakaibigan natin sa pagmamahalang malabo
Ngunit may nais lang akong itanong sayo
Ito'y kaliwanagan narin sa palaisipang iniisip ko
Ni minsan ba'y sumagi na ako sa isip mo
O kaya nama'y minsan mo na rin bang nagustuhan ang tulad ko?
Kasi sa twing nakikita ko ang kislap sayong mga mata
Para bang may nais ipahiwatig to aking sinta
Pero kung ako ma'y nagkakamali hayaan mo na
Masyado lang sigurong akong umasa sa akala
Pasensya na kung malakas itong aking tama
Sapagkat hapdi at kirot ang aking nadarama
Sa twing naiisip na hindi ikaw ang aking makakasama
Akala ko ay ayos lang na walang "tayo" sa ating dalawa
Na ayos lang na ako lang yung nagmamahal na mag isa
Lahat ng yan ay pagkakamali lang pala
Sapagkat sa Diyos ika'y aking hiling
Na balang araw sana ikaw ay aking makapiling.

#steemph
#philippines

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now