Magandang hapon mga kababayang Steemians, narito na po ang: Ikatlong Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino.
Tema: Kabataang Pilipino
Panauhing Hurado sa Linggong ito: @boyetb
Papaano sumali sa Patimpalak ng Potograpiyang Filipino?
Ang mga kalahok ay inaasahang kuha nila mismo ang tala nilang larawan. Hangang tatlong larawan lamang ang maaring ilahok. Maaring rin ninyong gamitin ang inyong mga lumang kuhang larawan.
Dapat na isalaysay ng mga kalahok ang kahit na maikling kwento/salaysay at uri ng aparato (kamera o telepono o cellphone) na kanilang ginamit upang matamo ang larawan.
Gamitin ang hashtag na #potograpiyangfilipino at gumamit ng titulong may:Patimpalak ng Potograpiyang Filipino sa inyong posts o hayag.
Wag po nating kalimutang ibahagi ang ating patimpalak sa pamamagitan ng pagboto at pag resteem para maabot ang ibang nais sumali. Huling araw ng pagsumite sa mga larawan ay tuwing Linggo, alas-singko ng hapon oras sa Pilipinas.
Mga Papremyong Pwedeng Mapanalunan:
Notice: This post is intended to give exposure to the Filipino community and those who have been to the Philippines who understand our native tongue. My apologies if no translation was provided.
Hangang sa muli, Rex aka @allmonitors nagsasabing: Wag lang natin masdan dahil sayang, kuhanan natin at Steemit natinπ
emoji source: Emojipedia