TSUPER HERO (Poetry for the best papa in the world)

Here is my latest piece. This is for my father.

TSUPER HERO
(Poetry for the best papa in the world)

Di pa man sumisikat ang umaga, sila na ay nasa kalsada..
Lumalanghap ng usok na mapolusyon, ihahatid saan ka man paroroon.
Barya lang sa umaga, nakasabit sa itaas,
Parang awa mo na magbayad ka hudas.
Maya't maya pa, hayan na si haring araw,
Unti unti ng sumisikat, sa balat dumadalaw.
Sa balat init nanunuot, hoy mag bayad ka wag kang salot!
Heto na, malaporeber na pila, trapiko heto't matinding abala.
Naiinip. Nagiinit. Sa kikitain nababahala.
Hoy! Magbayad ka bago ka bumaba.
Sa kabila ng kanilang tindig sa pagkakaupo, sa kabila ng atensyong sa kalsada itinutuon, sa bawat sukli na may kasamang ngiti..
Hirap ikinukubli, nais ng magpahinga ngunit hindi maari..
Pagkat kanilang buong pamilya sakanila kumakapit.
Nais ng tumigil pagkat likod'y nanakit,
Makita lang iyong ngiti pagod ay napapawi.
nais ng huminto pagkat niraryuma na ang binti.
Yakap mo lang at halik, lakas nanunumbalik
Nais ng matulog, upang gabi'y damhin,
makita ka lang sa entablado bawi lahat ng sakripisyo.
Bagamat tingin sakanila'y mababa, sa mga anak matayog kanilang pangarap.
Gabi ay umaga, matustusan lang anak na nageeskwela.
Pagod hindi iniinda, para sa pamilya.
Walang sawang nasasakripisyo, walang pagod sa pagbibigay serbisyo, pagkat merong mithiin sa buhay.. Yun ay makita mahal nilang anak, sa buhay magtagumpay.
Kaya bilang anak ng tsuper, proud ako sayo super
Pagkat ikaw ang halimbawa ng walang hanggang pagmamahal..
Saakin ikaw ang modelong ama,
Ama na gagawin lahat para sa anak niya.
Kaya pa, mahal na mahal kita 💕
Tingin man ng iba sayo'y mababa, mananatili akong nangunguna mong tagahanga.
Kunting tiis pa, sa pagmamaneho makakapagpahinga kana,
Kunting tiis pa, di ka na aabutan ng umaga sa kalsada.
Kunting tiis pa, makakapagpahinga ka na sa pinaka malambot na kama.
Hindi sapat ang salamat sa lahat ng yong sakripisyo, kaya habang buhay kitang i-idolo, pangaral mo habang buhay kong isasapuso, pagkat sakin ikaw ang nagiisa kong TSUPER HERO 💕

I have already posted it in my fb account. You can check it out for more writeups!
https://www.facebook.com/bernadette.holanda.9
https://www.facebook.com/holandabernadette/posts/736486853186461


|||||||||

Please follow me, read my posts. Feel free to upvote if you would like!

Love lots unicorns! Xoxo!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center