TANGAHANGA



Oo. Tama ang iyong nabasa.
Hindi ka namalikmata
At lalong hindi yan typo.
TANGA-hanga, tangang tagahanga.
Bow.

Sorry first time ko.
Di ko alam kung tula ba tong nagawa ko o rap.
Para kasing fliptop.
Pero true to life story from a torpe. Sad. Haha




Eto na naman ako
Tingin tingin lang sa IG story mo
Natatakot mag hi o mag hello
Kasi naman, fb friend mo lang ako
Masaya ako, sa fb magkaibigan tayo
updated ako, lagi sayo.
Sana naman mag level up, may mabago
Maging close pa sana tayo

Takot subukan
Ayaw simulan
Pano ko daw malalaman
Kung di ko uumpisahan
Problema ko na yan
Noon pa man
Takot ma-reject
Wag ka sana mag object
Yung nararamdaman ko,
Wag mo sana i'neglect

Hindi ko alam kung san kukuha
Ng lakas ng loob, at kapal ng mukha
Na yayain ka lumabas o magkape
Pero di ko magawa, kasi nga, torpe

Hindi naman kasi ako gwapo
At lalong di ko alam kung ako ay iyong tipo
Baka siguro, gusto mo yung may auto
Matipuno, maputi at macho
O baka naman chinito
Matankad na parang koreano

Kasalanan mo to
Jovit Baldovino
Pare, anong ginawa mo
Sinira mo reputasyon nating mga panget
Mas lalo na tuloy walang naakit
Walang pumapansin. Oo, masakit

Buti na lang dumating si Empoy
Naibangon mo mga mukhang unggoy
Meron na kaming Popoy na na-Ondoy
Ngayon tuloy
May mga ate na sa sense of humor, nageenjoy

Doon ako kabilang
Sa mga lalaking, funny lang
Wag umasang mabibigyan ka ng magandang lahi
Pero for sure ikaw ay lagi
Tumatawa at nakangiti
Humahalakhak na halos mapaihi
Sa mga banat at jokes, ika'y wagi

Sana ito ay iyong ma-appreciate
Mga girls, pag panget, please don't hate
Pag sawa na kayo sa gwapo, kami ay willing to wait
Sana mapagbigyan, kahit isang date.
Reat assured, it would be great!

Ate girl na crush ko sa fb
Feeling ko tayo ay meant to be
Pero isa lang yong pangarap
Na sana someday ay maganap
Ika'y makaharap
At tayo'y makapagusap
Kung san man ito patungo
Manalo man o mabigo
Gusto ko lang malaman mo
Andito lang ako.
Kahit di ako nageexist sa mundo mo.

DQmRQTK2CxqNKYb3tjm4PTvWYdmdZr3TfWpQLABkbhhX2jB.gif











H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now