Mababang Lipad Bilang 1 // Koleksiyon ng mga Tulang Itinapon sa Kalawakan

Hanggang Dito Nalang, Nagmamahal


Umpisahan natin sa simula
Teka, diba't matagal na 'tong nag-umpisa?
Take two. Tayo? Hindi ba't wala?
Hindi ba't hindi mo nga nagawa ang sana?

Ilang taon, ilang tao na ang lumipas
Di pa rin maikakaila ang naiwang bakas
Litratong ikinubli aking muling isinabit
Upang kuning muli at itago ulit

Kung ito nga ay nakasaad sa ating tadhana
Na ang bawa't daan ko'y sa iyo parin papunta
Bakit nagdadalawang isip kung kaya ko na
at paano kung ako'y magmukhang tanga?

Pagod na ako. Nasaan na ba ang hangganan?
Kung ito na ang huli, pakisara nalang ng pintuan
Lakad na, wag na akong balik-tanawin pa
Hayaan ang puso'y tuluyang maging malaya


Saiyanide \m/
H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center