Munting Tinig
Boses mo’y kay lamig, ang sarap balikbalikan.
kahit walang tugtog puso ko’y tumatalbog.
munting tinig mo lang, sa akin nakakabusog.
Tainga ko’y hinahanap ang boses mong sumasayaw.
Sa simpling kanta mo ako’y napapa-indak,
Nagbibigay ng ngiti sa labi’t mga halakhak.
Sa bawat paglingon ko ikaw’y nais masilip.
Kumanta ka lang kahit ako’y nasa malayo,
Alam ko’y galaw mo lang tataba aking puso.
Na tinitingala at maraming nagkaka-inggit,
Subalit espesyal ka at mahalaga,
na kahit sino sayo’y mapapasaya.
@redspider