Filipino Poetry #06: "PAANO KUNG...?"

Imahe

Nasaktan ka noon kaya ba ayaw mo ng magmahal ngayon?
O masaya ka na dahil nakalimutan mo na ang noon
May mga tanong pa din ba sa iyong puso't isipan
Paano kung hindi mo sya iniwan, paano kung iyong pinaglaban
Paano kung...?

Sa kalalukuyan mong kasintahan sumagi na ba sa iyong isipan
Siya na kaya ang aking magpakaylanman?
Paano kung subukin ng tadhana ang inyong pagmamahalan
Amin kayang makayanan? Pag-ibig hanggang kaylan
Paano kung...?

Naaalala pa din ba ang dating kasintahan
Nanghihinayang ba o nagpapasalamat dahil natapos na
Dahil nakatagpo ka ng higit pa sa kanya
Yung taong nagpapasalamat din dahil sa kanya ka napunta
Paano kung...?

Lahat ng ating tanong na "Paano kung?" sa pag-ibig
May akmang kasagutan na hindi mapapatid
Ang pag-ibig ay mawawala kung hindi para sa iyo
Ngunit magbabalik kung siya'y laan sa mundo mo
Paano kung...?

Salamat muli kaibigan sa iyong pagdalaw.. hanggang sa muli!

Sundan po ako sa @noime

SteemitFooter.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now